by
Javaero
12.11.02
Ako po si Bentong
Dati'y tubong Kalentong
Bihirang nakamaong
Laging nakabarong
Suot ang maong
Sa Pasko ay para makatulong
Daladala ang regalong...
Punong-puno ang bayong
Kasama ko si Boyong
Lagi kong katulong
Dala'y lutong bagoong
At adobong kangkong
Tanging handa at pasalubong
Sa mga dukhang taong
Butas-butas ang maong
Tulad ng hapis na payong
Buti na lang magaling si Boyong
Sa kantahan ng Christmas Song
Sobrang aliw, di umuurong
Mapudpud man ang takong!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment