by
Aljo
06.05.98
Meron akong kaibigan.
Ang tawag ko ay Dan.
Nakakainis minsan.
Pero napapagtiyagaan.
Siya ay palaging maaasahan.
Lalo na sa kwentuhan.
Kahit gabi hanggang umagahan,
Sa kwento hindi mauubusan.
Marami siyang nabibigkas na linya.
Kasing lalim ng pag-iisip niya.
Mula politika hanggang siyensiya.
Meron siyang ibubuga.
Bantayan mo.
Marami siyang pakulo.
Sasakit ang tiyan mo.
Sa mga jokes na bitaw nito.
Meron din siyang pagkaseryoso.
Lalo pag pag-ibig ang topiko.
Mukha'y nagiging seryoso.
Dahil "feel" talaga niya ito.
Isa pa ito.
Sa panliligaw siya ay bobo.
Masyadong torpedo.
Di marunong magsalita ng simple ang loko.
Minsan ba naman.
Ang babaeng niligawan,
Sa liham ay sinabihan,
"Let Love Be Mine."
Apat na salitang masyadong seryoso.
Katumbas ng "I Love You."
Ang isip ng pobreng dalaga ay nagulo.
May nobyo na pala ito.
Pero isang katangian
Gusto ko sa aking kaibigan.
Mga kwentong maseselan.
Ito ay kanyang napagkaingatan.
Siya ay hindi tsismoso.
Isang taong matalino.
Mapagkatiwalaan ng sikreto.
Bilib ako sa kaibigan ko!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment