Friday, June 20, 2008

Nakakapatula ang mga sandaling ito

by Danilo Arao

Baligtad na ang totoo
Sa mata po ng gobyerno
Naduling dahil sa tubo
Binulag tayo't niloko

Hindi ipinagkakanulo,
Demonyo'y magiging santo:
Alagaan mo lang ako
Presyuhan mo ang totoo!

Doon tayo sa kangkungan
'Di uso'ng katotohanan
Kapalit ng karangalan
Premyo ay biglang pagyaman

Mayroong katotohanan
Itong kasinungalingan
Sagutin ang katanungan:
Sino ba ang yumayaman?

Doon po sa Malakanyang
Wala na pong pakundangan
Anu-ano pang dahilan
Puro kasinungalingan